Noong 2019, naging isang malaking tagpo ang pagbubunyag ng gender ng isang sanggol. Naging sikat ang isang video ng isang sasakyan na may lumalabas na asul na usok upang ipahiwatig na lalake ang sanggol.
Sa pagtatapos naman ng 2019, ibinunyag ng YouVersion na ang pinaka-ibinabahagi ng iba na talata sa Bible app ay ang Filipos 4:6, “Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit sa Dios ang lahat ng pangangailangan nʼyo sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat.”
Sa panahong ito naman, nag-aalala ang mga tao tungkol sa maraming bagay—mula sa pangangailangan ng kanilang mga anak, hanggang sa napakaraming paraan na nahahati ang mga pamilya at mag-kakaibigan, hanggang sa mga kalamidad at digmaan. Pero sa gitna ng lahat ng mga inaalala natin, ang mabuting balita ay maraming tao ang kumakapit sa talatang ito na nagsasabing, “Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay.” Bukod diyan, sila rin ang nagpapalakas sa sarili nila at sa iba, para ilapit nila ang bawat pangangailangan sa Dios. Kapag ganito, hindi tayo nagwawalang- bahala, kundi hinaharap natin ang mga kabalisahan. Ito ay isang uri ng “pagpapasalamat.”
Hindi man naging verse of the year pero maganda ang ipinapahiwatig na makikita sa kasunod na talata ng Filipos 4: —“Bibigyan kayo ng Dios ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy na kay Cristo Jesus” (Tal. 7).