Gusto ni Caesar Augustus (63 BC-AD 14), na unang emperador ng Roma, na makilala bilang pinunong nagpapatupad ng batas at kaayusan. Kahit itinayo niya ang emperyo gamit ang pang-aalipin, panananakop, at panunuhol, ibinalik niya ang ilang angkop na prosesong legal at hustisya.
Nagpasensus din si Caesar kaya nagpunta sina Maria at Jose sa Bethlehem at ipinanganak doon ang hinihintay na pinuno na may kadakilaang umaabot hanggang sa dulo ng mundo (Micas 5:2-4).
Ang hindi inasahan ni Augustus at ng buong mundo, ay kung gaano kadakila ang Haring mabubuhay at mamamatay para ipakita kung ano ang tunay na katarungan. Ilang siglo bago iyon, sa panahon ni propeta Micas, nauwi ang bayan ng Dios sa isang kultura ng kasinungalingan, karahasan, at “kayamanang natipon sa masamang paraan” (6:10-12). Naligaw ang minamahal na bayan ng Dios. Gusto Niyang ipakita kung paano ang paggawa ng mabuti sa isa’t isa at ang nagpapakumbabang pagsunod sa Kanya (Tal.8).
Kinailangan ng isang Hari na handang maglingkod para bigyan ng katauhan ang klase ng katarungan na hinahanap ng mga nasasaktan, nakalimutan, at nanghihinang mga tao . Kinailangan ng katuparan ng propesiya ni Micas tungkol kay Jesus para makita ang tamang relasyon na itinatag sa pagitan ng Dios at tao, at sa isat-isa . Hindi ito mananaig sa panlabas na pagpapatupad ng batas at kaayusan na gaya ng ginawa ni Caesar, kundi sa kalayaan ng awa, kabutihan, at sa Espiritu ng lingkod na si Jesus na siyang Haring hinirang .