Minsan, gumawa ang mga scientists sa Penn State University ng bagong klase ng pandikit na parehong matibay at tuma-tagal. Ang disenyo ay hango sa isang kuhol na may putik na tumitigas sa kanyang katawan kapag tuyo at lumalambot naman kapag basa. Ang putik sa kuhol ang dahilan kaya malaya itong naka-kagalaw sa mga maalinsangang kondisyon—na mas ligtas para rito— habang nakatigil lang ito sa lugar nito kapag delikadong gumalaw.

Ang paraan ng mga nagsasaliksik na paggaya sa pandikit na nasa kalikasan ay nagpaalala sa paliwanag ng scientist na si Johannes Kepler ukol sa mga natutuklasan niya. Sinabi niyang iniisip lang niya ang mga kaisipan ng Dios.

Sinabi naman ng Biblia na ginawa ng Dios ang mundo at ang lahat ng naroon: ang mga halaman (Genesis 1:12), ang mga “hayop sa dagat” at “lumilipad” (Tal. 21); ang “gumagapang sa ibabaw ng lupa” (Tal. 25, ABAB); at ang “lalaki at babae ayon sa wangis Niya” (Tal. 27). Kapag may nadiskubre ang tao na isang espesyal na katangian ng isang halaman o hayop, sinusundan lang natin ang malikhaing hakbang ng Dios. Binuksan Niya ang ating mga mata sa paraan kung paano tayo dinesenyo.

Sa pagtatapos ng bawat araw sa paglikha, pinagmamasdan ng Dios ang ginawa Niya at inilarawan Niya iyon bilang “mabuti .” Habang natututunan natin at nadidiskubre ang marami pa sa mga nilikha ng Dios, nawa ay makita rin natin ang kagila-gilalas Niyang gawa, pag-ingatan natin ang mga ito, at ipahayag kung gaano ito kaganda!