Noong naging pangulo ng Amerika si Abraham Lincoln, pinamunuan niya ang isang may lamat na bansa. Tinitingnan si Lincoln bilang isang matalinong lider at isang taong may mataas na moral, pero may iba pang elemento sa karakter niya na marahil ay naging pundasyon ng lahat.
Ang tugon niya sa kakulangan? Sinabi ni Lincoln na maraming beses siyang lumuhod dahil sa napakalaking pananalig niya na wala siyang ibang puwedeng mapuntahan. Kulang para sa araw na iyon ang karunungan niya.
Kapag nahaharap tayo sa malalaking hamon ng buhay at nakikita natin ang limitasyon ng sarili nating karunungan, kaalaman, o kalakasan, gaya ni Lincoln, dumepende tayo kay Jesus—ang Nag-iisang walang limitasyon. Ipinaalala sa atin ni Pedro ang pagtitiwalang ito noong isinulat niya, “Ipagkatiwala nʼyo sa Kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit Siya sa inyo” (1 Pedro 5:7).
Dahil sa pag-ibig ng Dios para sa mga anak Niya, at sa lubos Niyang kapangyarihan, Siya ang perpektong dapat nating lapitan sa ating kahinaan—at iyan ang diwa ng panalangin. Lumalapit tayo kay Jesus, inaamin natin sa Kanya (at sa sarili natin) na kulang tayo at Siya ay sapat kailan pa man. Sinabi ni Lincoln na pakiramdam niya ay wala siyang ibang mapuntahan. Pero kapag naintindihan natin ang malaking pagmamalasakit sa atin ng Dios, napakagandang balita niyon. Puwede tayong lumapit sa Kanya!