Malinaw na parang kinausap tayo ng libro ni Elie Wiesel na Night tungkol sa mga katatakutan noong Holocaust. Ayon sa sarili niyang karanasan sa kampo ng mga Nazi, ikinuwento ni Wiesel ang Exodus sa Biblia. Habang si Moises at ang mga Israelita ay tumakas sa pagkaalipin sa Ehipto (Exodo 12), inilahad naman ni Wiesel ang tungkol sa pag-aresto sa mga pinunong Judio na sumusunod sa Paskuwa.
May isa pang kuwento sa Biblia: Sa gabi ng Paskuwa, si Jesus na inaasahang magpapalaya sa bayan ng Dios mula sa paghihirap, ay hinayaan ang sariling maaresto ng mga taong papatay sa Kanya.
Dinala tayo ni Juan sa eksena bago ang pag-aresto kay Jesus . “Labis na nabagabag” sa naghihintay sa Kanya, sa Huling Hapunan ay binanggit ni Jesus ang pagtatraydor sa Kanya (Juan 13:21). Tapos, sa isang gawi na hindi natin masyadong maintindihan, hinainan ni Cristo ng tinapay ang taong magkakanulo sa Kanya. Ang sabi, “Pagkakain ni Judas ng tinapay, agad siyang umalis. Gabi na noon” (Tal.30). Nagsisimula na ang pinakamalaking kawalang-hustisya sa mundo, pero ang idineklara ni Jesus, “Ngayo’y luluwalhatiin na ang Anak ng Tao, at sa pamamagitan niya ay luluwalhatiin ang Dios” (Tal. 31, MBB). Sa loob ng ilang oras, makakaranas ang mga disipulo ng gulat, pagkatalo, at panlulumo. Pero nakita ni Jesus ang plano ng Dios na nangyayari, gaya ng nararapat.
Kapag parang nananalo ang dilim, puwede nating alalahanin na humarap din ang Dios sa ‘madilim na gabi’ at tinalo Niya ito. Lumalakad Siya kasama natin. Hindi laging gabi.