Kinuwento ni Juanita sa pamangkin ang kabataan niya noong panahon ng ‘Great Depression’ noong 1930s. Mansanas lang ang pagkain ng mahirap nilang pamilya, at kung anumang hayop ang mahuhuli ng tatay niya. ‘Pag nakahuli ng squirrel ang tatay niya, sasabihin ng nanay niya, “Akin ang ulo. ‘Yan lang ang gusto ko, pinakamasarap na laman.” Taon ang lumipas bago naintindihan ni Juanita na walang laman ang ulo ng ardilya. Kunwari lang na iyon ang gusto ni nanay para hindi namin siya isipin para sa amin – mapunta ang laman.”
Sa pagdiriwang natin bukas ng Araw ng mga Ina, alalahanin natin ang mga sakripisyo ng mga nanay natin. Ipagpasalamat natin sila sa Dios at subukang tularan ang pag-ibig nila.
Naglingkod si Apostol Pablo sa grupo ng mga nagtitiwala kay Jesus sa Tesalonica “tulad ng isang inang mapagkalinga sa kanyang mga anak” (1 Tesalonica 2:7). Sa laki ng pag-ibig niya sa mga ito, hinarap niya ang maraming hadlang para ipakilala sa kanila si Jesus at ibahagi ang sariling buhay sa kanila (Tal. 2, 8) . “Nagtrabaho at nagsikap araw-gabi para hindi kami makabigat kaninuman habang ipinapahayag namin sa inyo ang Magandang Balita mula sa Dios” (Tal. 9). Tulad ng isang Ina.
Kaunti lang ang nakakatiis sa pag-ibig ng ina. Sabi rin nga ni Apostol Pablo na “hindi nawalan ng kabuluhan” ang pagsisikap nila (Tal. 1). Hindi natin hawak ang magiging tugon ng tao, pero puwede tayong magsakripisyo para paglingkuran sila. Matutuwa si nanay, pati na rin ang Ama natin sa langit.