Madalas gamitin ang tatak ng daliri para kilalanin ang tao, pero napepeke rin ito. Ginagamit din ang anyo ng iris (bahagi ng mata na may kulay), pero kaya rin itong baguhin ng contact lens (ginagamit kaysa sa salamin para mas maliwanag ang paningin). ‘Di laging katiyakan ang paggamit ng parte ng katawan para kilalanin ang tao (biometrics). Ano kaya ang puwede? Ang ugat ng tao, natatangi at halos imposibleng mapeke. Ang mapa ng mga ugat ng isang tao ang katangi-tanging pangkilala sa bawat tao sa buong planeta.

Kung pag-iisipan ang masasalimuot na bagay tulad niyan, pa’no kaya tayo hindi hahanga at sasamba sa Dios na lumikha sa atin? Paalala ni Haring David na nilikha tayong kahanga-hanga (Salmo 139:14) at isang bagay nga iyan na maaari nating ipagdiwang.

Sa katunayan, sabi ng Salmo 111:2 na tunay na dakila ang mga gawa ni Yahweh at lagi itong inaalala ng mga nalulugod sa Kanya. Pero higit na nararapat pagtuunan ng pansin ang Manlilikha mismo. Habang ipinagdiriwang natin ang mga gawa Niya, ipagdiwang rin natin Siya mismo! Dakila nga ang mga gawa Niya pero mas dakila pa Siya kaysa sa mga iyon kaya nanalangin ang mang-aawit at sinabing, “Pagkat ikaw lamang ang Dios na dakila na anumang gawin ay kahanga-hanga!” (Salmo 86:10).

Ngayon, habang inaalala natin ang mga kamangha-manghang ginawa ng Dios, huwag natin kalimutang mamangha rin sa kadakilaan Niya.