Noong 1980s nagsulat nang ganito ang isang kilalang astronaut na hindi naniniwala sa Dios, “Kung gagamitin ang sentido-komun para unawain ang mga katunayan, masasabing tila pinaglaruan ng isang sobrang-katalinuhan ang pisika, kimika, at biyolohiya.” Sa mata ng dalubhasang ito, may nagdisenyo ng lahat ng nakikita natin sa sansinukob. Dagdag pa niya, “hindi puwedeng sabihing bigla na lang nagkaganoon.” Pero, nanatiling hindi naniniwala sa Dios ang astronaut ito.
May isang matalinong tao rin ang tumingin sa kalangitan – tatlong libong taon na ang nakalipas – at nagkaroon ng ibang konklusyon. Sinabi ni Haring David sa pagkamangha, “Pinagmasdan ko ang langit na gawa ng iyong kamay, pati ang buwan at mga bituin na iyong inilagay. Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?” (Salmo 8:3-4).
Malalim nga ang pag-aalaga ng Dios sa atin. Ipinapahayag ng sanglinikha ang kuwento ng Matalinong Tagapagdisenyo, ang “Sobrang-Katalinuhan” na lumikha sa ating isip at inilagay tayo rito sa mundo para pagbulayan ang Kanyang ginawa. Makikilala natin ang Dios sa pamamagitan ni Jesus at mga nilikha Niya. Sinulat ni Apostol Pablo, “(Si Cristo) ang una sa lahat at pangunahin sa lahat ng nilikha. Sapagkat sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng nasa langit at nasa lupa” (Colosas 1:15-16).
Mayroon ngang “naglaro” sa sangsinukob. At puwedeng makilala ng sinumang nagnanais ang Matalinong Tagapagdisenyong iyon.