Noong 1986, nasa liblib na lugar sa Ethiopia at hinahabol ng mahigit 36 kilong leopardo ang manggagalugad na si Carl Akeley. Sinubukan ng leopardo kagatin siya sa leeg pero nakagat ang kanang balikat niya. Gumulong silang dalawa sa buhangin – isang matagal at mabagsik na laban. Nanghina si Akeley. Sino kaya sa dalawa ang unang susuko? Hinugot ni Akeley ang nalalabing lakas at nagtagumpay siyang sakalin hanggang malagutan ng hininga ang malaking pusa.

Ipinaliwanag rin noon ni Apostol Pablo na haharap din sa mga mababagsik na laban ang bawat isa sa ating nagtitiwala kay Jesus. Ito ang mga bahagi ng buhay natin na parang nananamlay tayo at parang gusto na nating sumuko.

Pero dapat tayong magpakatibay sa kalakasang mula sa Panginoon at labanan ang mga pakana ng Diyablo (Efeso 6:11,14). Imbes na lamunin ng takot o gumuho ang lakas ng loob sa pag-amin ng kahinaan at kakulangan, hinihimok tayo ni Apostol Pablo na humakbang pasulong sa pananampalataya, batid na hindi tayo umaasa sa sariling tapang at lakas, kundi sa Dios. Sabi niya, “Magpakatibay kayo sa kalakasang mula sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan” (Tal. 10). Sa pagharap natin sa mga pagsubok, puwede tayong manalangin sa Dios (Tal. 18).

Oo, marami nga tayong pagsubok at hindi natin malalampasan ang mga ito gamit ang sariling lakas at galing. Pero ang Dios mas makapangyarihan kaysa anumang kalaban o kasamaang haharapin natin.