Hindi ko malilimutan ang pagpasyal ko sa bahay ni Simon. Sa ilalim ng mabituing langit sa Nyahururu, Kenya, pumunta kami sa bahay niya para sa hapunan. Patunay ng hirap ng buhay ang sahig nilang hindi sementado at ilaw na mula sa lampara. Hindi ko na maalala ano ang kinain namin pero hindi ko malimutan ang saya ni Simon na nang tanggapin niya kami.
Ihinahalintulad ko kay Jesus ang mabuting pagtanggap niya sa amin – hindi makasarili, nakakataba ng puso, at talagang nakakapagpasigla.
May nabanggit rin naman na pamilya si Apostol Pablo sa 1 Corinto 16:15-18 – ang sambahayan ni Estefanas (Tal. 15) na kilalang mapag-aruga. “Itinalaga nila ang kanilang sarili sa paglilingkod para sa mga hinirang ng Dios” (Tal. 15). Malamang higit pa sa materyal na bagay ang binigay niya at ng mga kasama niya kaya naisulat ito ni Apostol Pablo: “Sila ang nagpasigla sa akin, gayundin sa inyo” (Tal. 17-18).
Kapag tumutulong tayo sa iba, tama namang isipin natin ang pagkain, lugar, at iba pang bagay na kailangan. Pero minsan nalilimutan natin na kahit mahalaga ang “ano” at “saan”, hindi ito ang pinakamahalaga. Malaking bagay ang masarap na pagkain at magandang lugar, pero hindi sapat ang mga iyan para tuluyang makapagpabusog at makapagpasigla. Galing sa Dios ang tunay na pampawi ng gutom ng puso. Nakakaantig ito ng puso ng tinutulungan at patuloy na bumubusog kahit matagal nang nakalipas ang kainan.