Nagsilbi kay Reyna Victoria si Heneral Charles Gordon (1833-1885) sa China at sa ibang lugar, pero kapag nasa Inglatera siya, ipinamimigay niya ang 90 porsyento ng sweldo niya.
Nang narinig niya ang taggutom sa Lancashire, tinanggal niya ang sulat sa medalyang purong ginto na bigay ng isang pinuno ng ibang bansa. Pinadala niya ito para tunawin at gamitin ang perang makukuha pambili ng tinapay para sa mahihirap. Isinulat niya sa talaarawan niya: “Ibinigay ko na sa Panginoong Jesus ang huling makamundong gamit na mahalaga sa akin.”
Marahil labis sa kakayahan nating magbigay ang pagiging mapagbigay ni Heneral Gordon pero gusto ng Dios na tulungan natin ang mga nangangailangan. Sa ilang batas na binigay Niya sa pamamagitan ni Moises, inutusan ng Dios ang mga tao na huwag anihin ang buong ani. Sa halip, kapag aani sa ubasan, sinabi Niyang iwan ang nalaglag “para sa mahirap at dayuhan” (Leviticus 19:10). Gusto ng Dios na tulungan natin ang mga nangangailangan sa ating tabi.
Puwede tayong humingi ng tulong sa Dios para mas lalong gustuhing maging mapagbigay at maging malikhain sa pagtulong. Gusto Niya tayong tulungang ipakita ang pag-ibig Niya sa iba.