Kahanga-hanga talaga ang paunang aral sa aikido na isang tradisyonal na sining pagtatangol ng mga Hapon. Seryosong sinabi ng guro, “Tumakbo palayo” ang unang tugon. “Lalaban ka lang kung hindi ka makakatakbo.” Takbo palayo? Hindi kaya baliktad ito? Bakit pagtakbo palayo sa away ang tinuturo ng magaling na guro? Pero paliwanag niya na pag-iwas sa away ang pinakamagandang depensa. Oo nga naman!
Marahil tulad ng marami sa atin ang tugon ni Apostol Pedro nang arestuhin si Jesus. Ginamit niya ang espada niya para atakihin ang isa sa mga kawal (Mateo 26:51; Tingnan din ang Juan 18:10). Pero pinigil siya ni Jesus at sinabing, “Paano matutupad ang Kasulatan na nagsasabing ganito ang mangyayari?” (Mateo 26:54).
Mahalaga nga ang hustisya, pero mahalaga ring maintindihan ang layunin at kaharian ng Dios — isang “baliktad” na kahariang nagsasabi na mahalin natin ang kaaway at kabutihan ang ibalik sa kasamaan (5:44). Ibang-iba ito sa tugon ng mundo, pero ito ang gusto ng Dios na pagyamanin sa atin.
Inilarawan pa nga sa Lucas 22:51 na pinagaling ni Jesus ang tenga ng kawal na inatake ni Apostol Pedro. Sana matutunan natin ang tugon ni Jesus sa mga mahihirap na sitwasyon – ginaganap ang kapayapaan at pag-aayos – habang ibinibigay ng Dios ang kailangan natin.