Mabilis talaga magbago ang temperatura sa tinitirahan namin sa Colorado—minsan kahit sa ilang minuto lang. Nais malaman ng asawa kong si Dan ang pagkakaiba ng temperatura sa loob at labas ng bahay. Mahilig siya sa ‘gadget’ kaya masaya niyang inilabas ang bagong “laruan”—termometro na nagpapakita ng temperatura mula sa apat na lugar sa paligid ng bahay. Sabi ko kalokohan ito. Pero madalas ko rin itong tingnan at namangha ako sa pagkakaiba ng temperatura sa loob at labas ng bahay.
Ginamit din ni Jesus ang temperatura para ilarawang “maligamgam” ang grupo ng mga nagtitiwala kay Cristo sa Laodicea, isa sa pinakamayaman sa pitong bayang nabangit sa aklat ng Pahayag. Sikat ang bayang ito sa kalakalan ng mga bangko, damit, at medikal pero kulang ito sa tubig. Kailangan nito ng kanal na daluyan ng tubig mula sa mainit na bukal. Pero pagdating ng tubig sa Laodicea, maligamgam na.
Maligamgam din ang grupo ng na kay Cristo doon. Sabi ni Jesus, “Alam kong hindi kayo malamig o mainit. Mabuti pa sana kung kayo ay malamig o mainit! Dahil maligamgam kayo—hindi mainit o malamig—iluluwa ko kayo” (Pahayag 3:15-16). Paliwanag ni Jesus, “Sinasaway ko ang mga mahal ko. Kaya maging masigasig kayo, magsisi at talikuran ninyo ang mga kasalanan ninyo” (Tal. 19).
Mahalaga rin sa atin ang pagsamo sa Tagapagligtas natin. Hindi rin ba malamig o mainit ang kalagayan mong espirituwal? Hilingin sa Dios na painitin pa ang pananampalataya mo.