Croissants’, ‘dumplings’, ‘pork curry’, at iba pang masasarap na pagkain ang naghihintay sa makakakita at papasok sa Narrow Door Cafe sa lungsod ng Tainan sa Taiwan. Isang utas sa pader ang kainang ito na wala pang labing anim na pulgada ang daanan—sakto lang para sumiksik at makapasok ang karaniwang tao! Pero, kahit mahirap, maraming parokyanong naakit sa kakaibang kainang ito.
Ganito rin kaya para sa makipot na pintuang nilalarawan sa Lucas 13:22-30? May nagtanong kay Jesus, “Kakaunti po ba ang maliligtas?” (Tal. 23). Sinagot ito ni Jesus sa paghamon na “Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan” sa kaharian ng Dios (Tal. 24).
Ang ibig sabihin, “kasama ka ba sa maliligtas?” Ginamit ito ni Jesus para paalalahanan ang mga Israelita na huwag maging hambog. Paniwala ng marami sa kanila na kasama sila sa maliligtas dahil kalahi sila ni Abraham o dahil sinusunod nila ang batas. Pero hamon ni Jesus sa kanila na tumugon sa paanyaya Niya bago isara ng pinuno ng sambahayan ang pinto ng bahay (Tal. 25).
Hindi lahi o mga nagawa natin ang magtatama sa atin sa Dios. Pananampalataya kay Jesus lang ang magliligtas sa atin sa kasalanan at kamatayan (Efeso 2:8-9; Tito 3:5-7). Makipot ang pinto pero bukas ito para sa mga magtitiwala kay Jesus. Inaanyayahan Niya tayong pumasok sa makipot na pinto tungo sa kaharian Niya.