Mahilig ako maglaro ng Scrabble. Isang beses, naghahabol ako ng puntos buong laro pero nang patapos na at wala ng letrang puwedeng bunutin sa bag, nakabuo ako ng salitang may pitong letra. Ibig sabihin tapos na ang laro. Limampung puntos ang nadagdag sa akin pati na rin puntos ng mga letrang hindi nagamit ng mga kalaro ko.
Mula sa dulo, una na ako sa puntos. Tinawag na “Katara” ng mga kalaro ko ang pangyayari para ipangalan sa akin. Sa mga sumunod naming laro, ‘pag may dehado sa puntos, naaalala nila ito at umaasa ng isang “Katara.”
Tulong nga para bigyan tayo ng pag-asa ang paggunita sa mabuting nangyari sa nakaraan. Ginawa iyan ng mga Israelita sa pagdiriwang nila ng Paskwa – ginugunita ang ginawa ng Dios noong nasa Egipto pa ang mga Israelita at inaapi ni Faraon at ng mga tagasunod nito (Exodus 1:6-14). Pagkatapos dumaing sa Dios, pinalaya sila ng Dios sa isang makapangyarihang paraan. Sinabihan sila ng Dios na pahiran ng dugo ang poste ng pintuan nila para lampasan ng kamatayan ang mga panganay na lalaki habang pinaparusahan ng Dios ang buong Egipto (12:12-13).
Maraming daantaon na ang nakalipas, ngayon nagkukumunyon ang mga na kay Cristo bilang pag-alaala sa sakripisyo Niya sa krus ng kalbaryo – para iligtas tayo sa kasalanan at kamatayan (1 Corinto 11:23-26). Mula sa pag-alaala sa mga ginawa ng maibiging Dios sa nakaraan, nagkakaroon tayo ng pag-asa sa kasalukuyan.