Month: Mayo 2024

Pag-asa Sa Bagyo

Noong tagsibol ng 2021, ilang storm-chasers ang kumuha ng video at litrato ng isang bahaghari na katabi ng buhawi sa Texas sa Amerika. Kita sa video na tila nakayuko ang mga sanga ng trigo dahil sa lakas ng umiikot na hangin at may isang matingkad na bahaghari ang nakaarko sa kulay-abong kalangitan patungo sa buhawi. Sa isa pang video kita ang ilang taong nakatayo…

Gamot Sa Buong Mundo

Sa isang liblib na bangin sa kanlurang bahagi ng Slovenia may nakatagong isang sikretong medikal na pasilidad, ang Franja Partisan Hospital.

Marami itong tauhan na gumamot sa libu-libong sundalo noong ikalawang digmaang pandaigdigan–hindi sila nahanap ng mga Nazi, pero mas nakamamangha na kumalinga ang ospital–na sinimulan ng kilusang nagtatanggol sa Slovenia–ng sundalong kakampi at kalaban. Tangap ang lahat sa ospital…

Huminto Para Magdasal

Bumulwak ang tubig sa kalye mula sa fire hydrant. May ilang kotse sa unahan ko ang nabasa na. Naisip ko, libreng linis ng kotse! Isang buwan nang hindi nalilinis ang kotse ko at makapal na ang alikabok. Humarurot na ako tungo sa tubig.

Krak! Ang bilis ng pangyayari. Maaga pa lang nainitan na ng araw ang kotse ko kaya mainit…

Narrow Door Cafe

Croissants’, ‘dumplings’, ‘pork curry’, at iba pang masasarap na pagkain ang naghihintay sa makakakita at papasok sa Narrow Door Cafe sa lungsod ng Tainan sa Taiwan. Isang utas sa pader ang kainang ito na wala pang labing anim na pulgada ang daanan—sakto lang para sumiksik at makapasok ang karaniwang tao! Pero, kahit mahirap, maraming parokyanong naakit sa kakaibang kainang ito.

Ganito rin…

Nag-ulat Ng Panahon

Setyembre 21, 1938. Tanghali: Nagbabala ang batang dalubhasang si Charles Pierce sa Tanggapan ng Pag-uulat ng Panahon ng Amerika tungkol sa banta ng bagyo sa New England. Pero hindi naniwala ang pinunong tagapag-ulat na magkakaroon ng bagyo na sobrang layo na sa hilaga.

Paglipas ng dalawang oras: tumama na ang ‘1938 New England Hurricane’ sa Long Island. 4:00 ng hapon: nananalanta…