Nang mag-landing ang Apollo 11 sa Sea of Tranquility ng buwan noong July 20, 1969, nagbawi muna ang mga manlalakbay sa space sa naging flight nila bago sila tumapak sa ibabaw ng buwan. Pinayagan ang astronaut na si Buzz Aldrin na magdala ng tinapay at alak para mag-communion siya.
Pagkatapos basahin ang Kasulatan, natikman niya ang unang pagkaing kinain sa buwan. Hindi nagtagal, isinulat niya kung paano mabagal na umikot at kaaya-ayang gumalaw ang likido sa baso dahil sa gravity sa buwan. Habang ginagawa ni Aldrin ang komunyon na ito, ipinahayag niya ang paniniwala niya sa sakripisyo ni Cristo sa krus at ang katiyakan ng Kanyang pagbabalik.
Inuudyukan tayo ni Apostol Pablo na alalahanin kung paano naupo ang Panginoong Jesus kasama ng Kanyang mga tagasunod “noong gabing traydurin” Siya (1 Corinto 11:23). Kinumpara ni Jesus sa tinapay ang Kanyang katawan na isasakripisyo (Tal. 24). Ipinahayag Niya ang alak bilang simbolo ng “bagong kasunduan” na tumiyak sa ating kapatawaran at kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang dugo na dumaloy sa krus (Tal. 25). Kapag nakikibahagi tayo sa communion, inihahayag natin ang pagtitiwala natin sa katotohanan ng sakripisyo ni Jesus, at ang ating pag-asa sa pangako Niyang pagbabalik (Tal. 26).
Nasaan man tayo, puwede nating ipagdiwang nang may kumpiyansa ang pananampalataya natin sa nag-iisang nabuhay muli at babalik na Tagapagligtas—si Jesu Cristo.