Nang matapos ang isang mamimili sa self-checkout station sa isang grocery store, lumapit ako doon at ini-scan ang mga binili ko. Di-inaasahang isang galit na tao ang kumompronta sa akin. Hindi ko napansin na siya pala ang kasunod sa pila sa checkout at nasingitan ko siya. Nang makita ang pagkakamali ko, humingi ako ng patawad, pero hindi niya iyon tinanggap.
Naranasan mo na ba na nagkamali ka, tinanggap mo iyon at sinubukan mong itama—pero tinanggihan ka? Hindi masayang mahatulan o hindi maunawaan, at mas masakit kung malapit tayo sa taong nasaktan natin o nakasakit sa atin. Sana lang nakikita nila ang puso natin!
Sa Isaias 11:1-5, ipinakita ni Propeta Isaias ang isang pinuno na itinalaga ng Dios. May karunungan siyang magbigay ng perpektong hatol. “Hindi siya mamumuno at hahatol batay lang sa kanyang nakita o narinig sa iba. Bibigyan niya ng katarungan ang mga mahihirap at ipagtatanggol ang kanilang mga karapatan” (Tal. 3-4).
Natupad ito sa katauhan ni Jesus. Kahit madalas tayong nagkakamali dahil sa ating mga kasalanan at kahinaan, puwede nating alalahanin na kilala ng nakakakita at nakakaalam na Dios ng langit kung sino talaga tayo, at humahatol Siya nang patas.