Noong 1373, nagkasakit si Julian ng Norwich at muntik mamatay. Nang dumating ang pastor para ipanalangin siya, nakakita siya ng maraming pangitain tungkol sa pagpapapako kay Jesus sa krus. Matapos himalang gumaling, ginugol niya ang sumunod na 20 taon sa pag-iisa sa isang silid sa simbahan, pinapanalangin at pinag-iisapan ang naranasan. Naisip niya, ang pagsasakripisyo ni Cristo ang pinakamataas na pagpapahayag ng pag-ibig ng Dios.
Sikat ang mga pinahayag ni Julian, pero madalas hindi napapansin ng mga tao ang oras at pagsisikap na ibinigay niya para ipanalangin ang mga ipinahayag ng Dios sa kanya. Sa loob ng dalawang dekada, hinanap niya ang kahulugan ng karanasang ito habang hinihingi ang karunungan at pagtulong ng Dios.
Gaya ng ginawa Niya kay Julian, ipinahahayag naman ng Dios ang Sarili Niya sa Kanyang bayan, sa pamamagitan ng mga salita sa Biblia; sa pamamagitan ng Kanyang tahimik at maliit na tinig; sa pamamagitan ng awitin; o kahit ng kamalayan lang sa Kanyang presensya. Kapag nangyayari ito, puwede nating hingin ang Kanyang karunungan at pagtulong. Ang karunungan na ito ang itinuturo ni Haring Solomon na hanapin ng anak niya at ang dapat nitong pakinggan (Kawikaan 2:2). Tapos, “malalaman mo kung ano ang pagkatakot sa Panginoon” (Tal. 5).
Ipinangako ng Dios na bibigyan tayo ng karunungan at kaunawaan. Habang lumalalim tayo sa pagkakilala sa Kanyang karakter at mga paraan, mas mapaparangalan at maiintindihan natin Siya.