Sino si Jesus ayon sa paniniwala ng mga tao? May mga nagsasabing mabuti siyang guro, at isang tao lamang. Isinulat ng manunulat na si C.S. Lewis ang mga sikat na salita mula sa Mere Christianity na nagsasabing hindi magiging magaling na propeta si Jesus kung mali ang pag-angkin niya na Dios siya. Magiging sukdulan iyon ng maling pananampalataya.
Habang kausap ang Kanyang mga tagasunod at naglilibut-libot sila sa mga bayan, tinanong ng Panginoong Jesus, “Sino raw ako ayon sa mga tao?” (Marcos 8:27). Kasama sa mga sagot nila si Juan na tagapagbautismo, si propeta Elias, at ang isa sa mga propeta (Tal.28).
Pero gustong malaman ni Jesus kung ano ang paniniwala nila: “Pero para sa inyo, sino Ako?” Nakuha ni Pedro ang tamang sagot. “Kayo po ang Cristo!” (Tal. 29), ang Tagapagligtas.
Pero para sa atin, sino nga ba si Jesus? Hindi Siya mabuting guro o propeta lang kung hindi totoo ang mga sinabi Niya tungkol sa sarili Niya—na Siya at ang Ama (Dios) ay “iisa” (Juan 10:30). Ang Kanyang mga tagasunod at maging ang mga demonyo ay nagpahayag ng Kanyang katayuan bilang Anak ng Dios (Mateo 8:29; 16:16; 1 Juan 5:20). Ngayon, ipangalat natin kung sino si Cristo habang tinutugunan Niya ang mga pangangailangan natin.