Habang nasa zoo, huminto ako sa isang exhibit ng sloth. Nakasabit ang hayop nang pabaliktad, at parang kontento na siya sa hindi niya paggalaw. Napabuntong-hininga ako. Dahil sa mga pangkalusugang dahilan, hirap akong manatili lang sa isang posisyon at gustung-gusto kong gumalaw, o gumawa ng kahit ano. Naobserbahan ko na kailangan ng lakas upang huminto. At kung gusto kong maging kontento sa paggalaw nang mabagal o hindi paggalaw gaya ng sloth, kailangan ko ng higit sa kamangha-manghang lakas ng kalamnan. Para magtiwala sa Dios sa bawat parang kinakaladkad na sandali ng buhay ko, kailangan ko ng supernatural na lakas.
Sa Salmo 46, inihayag ng sumulat na ang Dios ay hindi lang nagbibigay ng lakas, Siya mismo ang ating kalakasan (Tal. 1). Anuman ang nangyayari sa palibot natin, “Kasama natin ang Panginoon ng hukbo ng kalangitan” (Tal. 7). Inulit ng salmista ang katotohanang ito (Tal. 11).
Gaya ng sloth, ang araw-araw nating mga pakikipagsalaparan ay madalas kailangan ng mababagal na hakbang at pinahabang mga panahon ng pagtigil lang. Kapag umaasa tayo sa di-nagbabagong katangian ng Dios, puwede tayong magtiwala sa Kanyang lakas anuman ang plano o bilis ang pagpasyahan Niyang tama para sa atin.
Kahit patuloy tayong mahirapan at makipaglaban sa paghihintay, tapat ang Dios na laging nandiyan. Kahit hindi malakas ang pakiramdam natin, tutulungan Niya tayongmaging matatag sa ating pananampalataya.