Pagkatapos ilabas ang mga bahagi ng inorder kong mesa mula sa kahon nito, napansin kong may mali. Nawawala ang isa sa mga paa ng mesa. Dahil kulang ng paa, hindi ko na iyon mabubuo at wala na itong silbi.
Hindi lang sa mesa nangyayari na nagiging walang silbi ang isang bagay kapag kulang ng isang importanteng parte. Sa aklat ng 1 Corinto, ipinaalala naman ni Apostol Pablo sa mga mambabasa niya na kulang sila ng isang importanteng sangkap. Maraming espirituwal na kaloob ang mga sumasampalataya kay Jesus sa lugar na iyon, pero wala silang pag-ibig.
Isinulat ni Pablo na kahit nasa isang tao na ang lahat ng karunungan, kahit ipamigay niya ang lahat ng pag-aari niya, at kahit kusa pa siyang tumanggap ng paghihirap, kung wala ang importanteng pundasyon ng pag-ibig, walang halaga ang anumang ginawa niya (1 Corinto 13:1-3). Inudyukan sila ni Pablo na palaging haluan ng pag-ibig ang mga gawa nila. Inilarawan niya rin ang kagandahan ng isang pag-ibig na laging nag-iingat, nagtitiwala, umaasa, at nagtitiyaga (Tal. 4-7).
Habang ginagamit natin ang mga espirituwal na kaloob para magturo, magpalakas ng loob, o maglingkod sa mga komunidad, alalahanin natin na ang disenyo ng Dios ay laging naghahanap ng pag-ibig. Kung hindi, para lang iyong mesa na kulang ang paa. Hindi maaabot ang tunay na layunin kung bakit ito dinisenyo.