Kapag nagsimula ka ng paglalakbay sa timog-kanluran ng Amerika sa isang maalikabok na bayan na tinatawag na Why, Arizona. Tatawid ka at mapupunta sa Uncertain, Texas. Kikilos ka pahilagang-silangan at hihinto ka muna sa Dismal, Tennessee. Sa huli, mararating mo ang destinasyon mo: Panic, Pennsylvania. Tunay na mga pangalan ng lugar ang mga ito, kahit pa parang hindi mo pipiliin ang biyaheng ito.
Minsan ganito mismo ang pakiramdam ng paglalakbay sa buhay. Ang daling makaugnay sa mga taga-Israel sa mahirap na buhay nila sa ilang (Deuteronomio 2:7). Pero nakikita ba natin ang iba pang pagkakapareho? Gumagawa tayo ng plano at umiiwas sa daan ng Dios (1:42-43). Tapos, gaya ng mga taga-Israel, madalas nagrereklamo tayo tungkol sa mga pangangailangan natin (Bilang 14:2). Araw-araw ding pinagdududahan natin ang mga layunin ng Dios (Tal. 11). Ang kuwento ng mga taga-Israel ay katulad din ng sa atin.
Tinitiyak naman ng Dios na kung susundin natin ang Kanyang daan, dadalhin Niya tayo sa isang malayo at hamak na mas magandang lugar kaysa sa Dismal. Tutugon SIya sa ating mga pangangailangan (Deuteronomio 2:7; Filipos 4:19). Pero kahit alam na natin ito, nabibigo pa rin tayo. Kailangan nating sundin ang mapa ng Dios.
Medyo mahabang biyahe, pero anim na oras mula sa Panic ay ang lugar na tinatawag na Assurance, West Virginia. Kung hahayaan nating iayos ng Dios ang ating daan (Salmo 119:35), maglalakbay tayo nang may galak kasama Niya na Siyang may hawak ng manibela!