Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Kenneth Petersen

TIYAK NA PANALO

Bata pa lang si Christian Atsu, naglalaro na siya ng football. Nakapaa lang siya noon. Hanggang sa naging international football player siya. At noong Pebrero 5, 2023, siya ang nagpanalo sa laro nila laban sa bansang Turkey. Bukod sa pagiging kilalang football player, nagtitiwala rin kay Jesus si Christian. Naglalagay siya ng mga talata sa Biblia sa mga social media post niya.…

NAMAMANGHA SA DIOS

“Takot na walang dahilan” sa mga bagay o pangyayari ang kahulugan ng salitang phobia. Halimbawa, arachnophobia ang tawag sa takot sa gagamba. Nariyan din ang globophobia at xocolatophobia, na ilan lang sa halos apat na raang iba pang phobia na dokumentado. Tila ba maaari nating katakutan ang kahit anong bagay.

Nabanggit rin sa Biblia ang takot ng mga Israelita matapos nilang…

LIKHA NG DIOS

Noong Hulyo 12, 2022, sabik na naghihintay ang mga siyentipiko sa unang mga kuha ng James Webb Space Telescope. Kaya nitong sumilip sa pinakamalalim na bahagi ng kalawakan—mas malayo pa kaysa sa dati nang narating ng sangkatauhan. Biglang lumitaw ang napakagandang larawan ng Carina Nebula (isang makulay na ulap ng hangin at buhanging nabubuo kapag may namamatay na bituin). Sa ganda…

HANDANG MAGLINGKOD

Tungkol ang librong Hidden Figures sa mga paghahanda para sa pagtungo ni John Glenn sa kalawakan. Noong 1962, bagong imbensyon pa lamang ang mga computer at may posibilidad ng mga aberya. Kaya hindi lubos ang tiwala ni Glenn dito. Nag- aalala siya tungkol sa tamang kalkulasyon para sa paglulunsad. Ngunit may isang matalinong babae na kayang suriin ang mga numero. Pinagkakatiwalaan siya…

“AKO NGA”

Isang propesor ng pilosopiya at literatura si Jack. Napakatalino niya. Mula noong 15 taong gulang pa lang siya, hindi na siya naniniwala sa Dios. Hanggang sa magkaedad na siya. Sinubukan siyang kumbinsihin ng mga kaibigan niyang nagtitiwala kay Jesus pero ang sabi ni Jack, “Lahat na lamang ay naniwala na.” Gayunpaman, inamin ni Jack na kakaiba sa lahat ng mga…

DAHIL SA DUGO NI JESUS

Hindi likas o natural na makikita ang kulay pula sa mga bagay na gawang tao gaya ng kamiseta o lipstick. Noong araw, gawa pa sa luwad o pulang mga bato ang pulang tina. Pagsapit ng 1400, naimbento ng mga Aztec ang isang paraan upang makakuha ng pulang tina mula sa mga insektong cochineal. Hanggang ngayon, ang maliliit na insektong ito…