May ipinanganak na bulag ang dalawang magkapatid mula sa India. Masipag ang tatay nila, pero wala itong pera para maipaopera sila. Tapos, isang grupo ng mga doktor ang dumating sa lugar nila para sa isang maiksing medical mission. Kinabukasan pagkatapos ng operasyon, malaki ang ngiti ng dalawang batang babae habang inaalis ang benda. Sabi pa ng isa, “Nanay, nakakakita na ‘ko! Nakakakita na ‘ko!”
Meron ding isang lalaking ipinanganak na lumpo na nakaupo sa madalas na puwesto niya sa pasukan ng templo, at namamalimos. Sinabi ni Apostol Pedro sa lalaki na wala siyang pera, pero meron siyang mas magandang ibibigay. Sinabi niya, “Sa pangalan ni Jesu-Cristo na taga-Nazaret, lumakad ka!” (Gawa 3:6). Tumayo nga ang lalaki “at lumakad-lakad ... Patalon-talon siyang nagpupuri sa Dios” (Tal. 8).
Mas pinahalagahan ng magkapatid at ng lalaki ang mga mata at paa nila kumpara sa mga taong hindi nakaranas na maging bulag o lumpo.
Pag-isipan mo ang mga natural na kakayahan mo. Mas mapahahalagahan kaya ang mga iyon kung nagkataong himalang pinagaling ka lang mula sa karamdaman? Ngayon isipin mo: kung naniniwala ka kay Jesus, pinagaling ka Niya sa espirituwal na paraan. Niligtas ka Niya sa mga kasalanan mo. Pasalamatan natin ang Nag-iisang gumawa at nagligtas sa atin, at ialay sa Kanya ang lahat ng ibinigay Niya.