Kakaibang nilalang ang sea squirt. Nakadikit sila sa mga bato at kabibe, mukhang malambot na tubong plastik na gumagalaw ayon sa agos ng tubig. Kumukuha ito ng nutrisyon mula sa tubig na dumadaan, namumuhay nang walang kibo, malayo sa dating aktibo nitong kabataan.
Nagsisimula ang buhay ng sea squirt bilang tadpole na may gulugod at utak na tumutulong para makahanap ito ng pagkain at makaiwas sa panganib. Bilang bata, ginugugol nito ang araw sa paglalakbay sa dagat, pero may ibang nangyayari kapag naging adult na ito. Hihinto ito sa bato, hindi na maglalakbay o lalaki pa. At ang nakakabigla, kinakain nito ang sarili nitong utak.
Walang gulugod o utak, nagpapaanod lang sa tubig. Inuudyukan tayo ni Apostol Pedro na huwag maging ganyan at huwag gayahin ang mga sea squirt. Dahil ang kahulugan ng pagtanda ay pakikibahagi sa kabanalan ng Dios (2 Pedro 1:4), tayo ay tinawag para lumago—sa pagkakilala kay Cristo (3:18); sa espirituwal na katangian gaya ng kabutihang-asal, pagtitiis, at pagpipigil sa sarili (1:5-7); sa praktikal na paghahanap ng mga bagong paraan para magmahal, makitungo, at maglingkod sa iba sa pamamagitan ng ating mga kaloob (1 Pedro 4:7-11).
Dahil sa paglagong ganito, magiging makabuluhan at kapaki-pakinabang ang ating mga buhay (2 Pedro 1:8).