Isang awit para sa isang TV commercial ang nagbigay-inspirasyon sa isang henerasyon. Bilang bahagi ng kampanya ng Coca-Cola, inawit ng grupong tinatawag na The New Seekers ang buong kantang iyon na nanguna sa mga music charts sa buong mundo.
Pero hindi malilimutan ng marami na ang orihinal na version ay inawit ng mga kabataan sa ibabaw ng burol sa labas ng Roma. Naramdaman din natin ang kagustuhan ng sumulat ng kantang iyon na turuan ang mundong umawit nang may puso at pagkakaisa ng pag-ibig.
Inilarawan ni Apostol Juan ang ganoon ding pangarap, na mas hamak na malawak. Sa pangitain niya ay may isang awit na kinakanta ng “lahat ng nilalang sa langit, sa lupa, sa ilalim ng lupa, at sa dagat” (Pahayag 5:13). Wala nang mas makatotohanan pa kaysa sa halagang binayaran Niya na hinahandugan ng kantang iyon. Walang ibang mas nakakakaba pa kaysa sa mga pangitain ng giyera, kamatayan, at mga kinahinatnan, kung hindi iyon mapagtatagumpayan ng Kanyang sakripisyo ng pag-ibig.
Pero ito ang naging dahilan kaya dinala ng Kordero ng Dios ang ating mga kasalanan. Tinalo Niya ang kamatayan at tinulungan ang buong langit at lupa na umawit—sa perpektong pagkakaisa.