Napag-aralan na ni Dr . Gary Greenberg ang mga buhangin mula sa maraming dalampasigan sa mundo. Nadiskubre niyang marami pa pala tayong hindi alam sa mga buhangin. Sa arenology (pag-aaral ng mga buhangin), sa buhangin ang tungkol sa pagguho ng lupa, agos ng tubig sa pampang, at ang puwede nitong maging epekto sa dalampasigan. Bawat maliit na buhangin ay puno ng impormasyon!
Katulad ng butil ng buhangin, ang isang panalangin ay may bigat din. Sinasabi sa Kasulatan ang tungkol sa malaking bahagi ng panalangin sa pagdating ng kaharian ng Dios. Sa Pahayag 8, nakita ni Juan ang isang anghel na nakatayo sa altar malapit sa trono, may hawak itong gintong lalagyan ng insenso na naglalaman ng mga “panalangin ng mga pinabanal.” Tapos, “kumuha ang anghel ng mga baga mula sa altar at pinuno ang lalagyan ng insenso, at inihagis sa lupa. At biglang kumidlat, kumulog, umugong at lumindol” (Tal. 3, 5).
Sinabi rin na, “nakahanda na ang pitong anghel upang patunugin ang kanilang trumpeta” (Tal. 6), inaanunsyo ang huling araw ng mundo at ang pagbabalik ni Cristo.
Minsan hindi natin ramdam ang nagagawa ng panalangin pero pinahahalagahan ng Dios ang mga iyon, at may malaking papel iyon sa katuparan ng Kanyang kaharian. Ang tila maliit lang na panalangin sa atin ay puwedeng may nakakalindol palang bigat!