Habang nagbabakasyon, naglakad kami ng asawa ko sa dalam-pasigan at napansin namin ang isang malaking parisukat ng buhangin na napapalibutan ng bakod. Pinaliwanag ng isang kabataan na pinagsisikapan nilang mga volunteers ang pagbabantay sa mga itlog ng bawat pawikan.
Sa oras na mapisa ang itlog, puwedeng mapahamak at mamatay ang mga iyon dahil sa mga hayop at tao. “Sa kabila ng pagsisikap namin,” sabi niya, “sa tantiya ng mga scientist, isa lang ang nabubuhay sa bawat limang libong pawikan na ipinapanganak.” Sa kabila noon, hindi pinanghihinaan ng loob ang binatang nakausap namin.
Dahil sa ginagawa niyang walang pag-iimbot na adhikain, lumalim ang kagustuhan kong respetuhin at protektahan ang mga pawikan. Ngayon, may suot na akong pendant na pawikan bilang paalala na responsibilidad kong pangalagaan ang mga nilikha ng Dios.
Nang nilikha ng Dios ang mundo, nagbigay Siya ng lugar para sa bawat nilikha kung saan sila mabubuhay at uunlad (Genesis 1:20-25). Noong nilikha Niya ang tao, intensyon ng Dios na tayo ang “mamahala sa buong mundo at ... lahat ng hayop” (Tal. 26). Tinutulungan tayo ng Dios na maglingkod bilang mga responsableng tagapangasiwa para alagaan ang Kanyang mga nilikha, gamit ng awtoridad na galing sa Kanya.