Sa isang maliit na bayan sa Illinois, 40% ng mga krimen sa komunidad ay ukol sa karahasan sa loob ng bahay. Ayon sa isang Pastor doon, karaniwang natatago sa komunidad ang ganitong isyu dahil nakakabalisa itong pag-usapan.
Pero sa halip na iwasan ang problema, pinili ng mga Pastor na magtiwala sa Dios at matapang na harapin iyon sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga nagtatrabaho para masugpo ang problemang iyon. Sabi naman ng isang Pastor, “Ang mga dalangin namin at sinamahan pa ng kongkretong suporta ay lumilikha ng isang mahalagang pagbabago sa aming kumunidad.”
Noong nag-aalangan naman si Ester na Reyna ng Persia na magsalita laban sa batas na nagbibigay-permiso sa pagpatay sa mga kababayan niya, binalaan siya ng tiyuhin niya na kung tatahimik siya, hindi rin makakaligtas ang sarili at pamilya niya (Ester 4:13-14). Dahil alam ni Mordecai na iyon ang oras para magpakatapang at tumindig, sinabi niya, “Baka nga kaya ka ginawang reyna [sa panahong ito] ay para mailigtas mo ang kapwa mo mga Judio” (Tal. 14).
Tinawag man tayo para magsalita laban sa kawalan ng hustisya o magpatawad sa taong nakasakit sa atin, sinisiguro ng Biblia na sa mahihirap na sitwasyon, hindi tayo iiwan o pababayaan ng Dios (Hebreo 13:5-6). Kapag humingi tayo ng tulong sa Dios sa oras na nanliliit tayo, bibigyan Niya tayo ng “kapangyarihan, pag- ibig, at disiplina sa sarili” para matapos ang gawaing binigay sa atin (2 Timoteo 1:7).