Nasa isang pet store si Lacey Scott nang mapansin niya ang malungkot na isda sa ilalim ng tangke. Nangitim na ang kaliskis nito at madaming sugat sa katawan. Niligtas ni Lacey ang may-edad nang isda at tinawag na “Monstro,” galing sa pangalan ng pating sa Pinocchio. Inilipat niya ito sa isang “ospital” na tangke at pinalitan ang tubig niyon araw-araw. Hindi nagtagal, napabuti si Monstro at nagsimulang lumangoy at lumaki. Naging gold na ang nangingitim niyang kaliskis. Dahil sa pag-aalaga ni Lacey, naging bago si Monstro!
Sa Lucas 10, ikinuwento ni Jesus ang tungkol sa isang manlalakbay na binugbog, ninakawan, at iniwan para mamatay na lang. Dumaan ang isang pari at isang Levita, pero hindi nila pinansin ang paghihirap ng lalaki.
Pero isang Samaritano—na kabilang sa minamatang grupo—ang nag-alaga sa kanya, binayaran pa ang lahat ng pangangailangan niya (Lucas 10:33-35). Sinabi ni Jesus na ang Samaritano ang tunay na “kapwa” sa kuwento, at hinikayat Niya ang mga nakikinig na ganoon din ang gawin.
Ang ginawa ni Lacey sa naghihingalong goldfish, puwede rin nating gawin sa mga tao sa paligid natin. Walang bahay, walang trabaho, may kapansanan, at malulungkot na “kapwa” ang nasasa-lubong natin. Pansinin natin ang lungkot nila at bigyan sila ng kalinga. Isang mabait na pagbati. Isang pagkain. Ilang piso. Paano tayo magagamit ng Dios para ialok ang pag-ibig Niya sa iba, pag- ibig na kayang magbago ng lahat ng bagay?