Matapos ang 22 taon ng pagsasama, minsan napapaisip ako kung paano gumagana ang kasal namin ni Merryn. Manunulat ako; statistician siya. Mga salita ang tinatrabaho ko; siya numero. Galing kami sa magkaibang mundo. Sinusubukan ko ang mga bagong pagkain sa menu; siya pareho pa rin ang oorderin. Pagkatapos ng 20 minutos sa art gallery, nagsisimula pa lang ako; pero si Merryn nasa cafe na sa ibaba, hinihintay ako. Binibigyan namin ang isa’t isa ng maraming pagkakataon para matutunan ang pagpapasensya!
Marami kaming pagkakapareho—pagiging masayahin, hilig sa pagbibiyahe, at ang pananampalataya namin. Dahil sa pagkakaparehong ito, naging bentahe sa amin ang aming mga kaibahan. Tinulungan ako ni Merryn na mag-relax, tinulungan ko naman siyang maging mas disiplinado. Napabuti kami bilang mga tao dahil sa mga pagkakaiba namin.
Ginamit ni Apostol Pablo ang pag-aasawa bilang talinhaga para sa iglesiya (Efeso 5:21-33). Gaya ng kasal, pinagsasama ng iglesiya ang iba’t ibang klase ng tao, dahilan para matuto sila ng kababaang-loob at pagpapasensya “bilang pagpapakita ng pag-ibig” (4:2) sa isa’t isa. At gaya sa pag-aasawa, nakakatulong ang pagkakapareho ng pananampalataya para maging isa sila at ganap na malalagong Cristiano (Tal. 11-13).
Puwedeng pagmulan ng kabiguan ang mga pagkakaiba. Pero kung mapapamahalaang maige, matutulungan tayo nito na maging mas kagaya ni Cristo.