Dahil sa panganib ng COVID-19, hindi nakapagkita nang personal ang mga maglolo at maglola. Maraming gumawa ng bagong paraan para makakonekta. Isang survey ang nagpakita na maraming may-edad ang nasanay na sa pagte-text at social media para lang manatili ang koneksyon nila sa mga apo nila. May mga sumamba pa nga kasama ang mga pamilya sa pamamagitan ng video call.
Isa sa pinakamagagandang paraan para maimpluwensyahan ng mga magulang, lolo, at lola ang mga bata ay ang pagpasa ng mga katotohanan ng Kasulatan. Sa Deuteronomio 4, inutos ni Moises sa bayan ng Dios na, “Huwag kalimutan ang mga bagay na inyong nakita na ginawa ng Panginoon.
Kailangang manatili ito sa inyong mga puso” (Tal. 9). Sinabi pa niya na ang pagpasa nito sa mga anak at apo ay magiging dahilan para “matuto silang gumalang” sa Kanya (Tal. 10) at para mabuhay sila ayon sa Kanyang katotohanan sa lupang ibinigay Niya sa kanila.
Dapat ikinalulugod natin ang mga relasyong binibigay sa atin ng Dios. Sa disenyo Niya, sila man ay daluyan ng Kanyang karunungan mula sa isang henerasyon patungo sa susunod, bilang “pagsasanay sa matuwid na pamumuhay” at pagiging handa “sa lahat ng mabubuting gawa” (2 Timoteo 3:16-17). Kapag ginagawa natin ito—sa text man, tawag, video, o harapang usapan—binibigyan natin sila ng gamit para makita nila ang paggawa ng Dios sa ating sariling buhay.