Ang rescue mission na Operation Noah’s Ark ay naging isang bangungot para sa Nassau Society for the Prevention of Cruelty to Animals. Pagkatapos makatanggap ng mga reklamo tungkol sa ingay at baho mula sa isang bahay, pumunta sila roon at natagpuan ang mahigit sa 400 na napabayaang mga hayop.
Hindi siguro tayo nagtatago ng daan-daang hayop na nasa masamang kondisyon, pero sinabi ni Jesus na baka may natatago tayong masasama at makasalanang kaisipan at gawa sa puso natin, na kailangang malantad at maalis.
Sa pagtuturo Niya kung paano magiging malinis o marumi ang isang tao, sinabi ni Jesus na hindi ang maruruming kamay o “anumang pumapasok sa bibig” ang nagpaparumi sa tao, kundi ang masamang puso (Mateo 15:17-19). Ang baho mula sa puso natin ay tatagas sa ating buhay. Pagkatapos, nagbigay si Jesus ng mga halimbawa ng masasamang kaisipan at gawa na lalabas mula sa puso (Tal. 19). Walang anumang panlabas na relihiyosong aktibidad o ritwal ang makakapaglinis sa mga iyon. Kailangan natin ang Dios para baguhin ang puso natin.
Puwede nating gawin ito sa pamamagitan ng pagbibigay sa Kanya ng daan sa puso natin at hayaang alisin Niya ang dahilan ng baho. Habang inilalantad natin kung ano ang nasa puso natin, tutulungan Niya tayo na maihanay sa Kanyang kalooban ang salita at gawa natin, at matutuwa Siya sa bango na lalabas mula sa buhay natin.