“Sa sobrang tingkad ng katotohanan at kaluwalhatian ng Dios, mungkahi niya na mas makakabuting tanggapin natin ito at ibahagi nang marahan at may paglihis (hindi direkta). Ang Katotohanan kailangan dahan-dahan magningning o Kung nais ‘di mabulag ang bawat isa.”
Aral ni Apostol Pablo na maging “mapagpakumbaba at mahinahon at matiyaga” sa pagpaparaya dahil sa pag-ibig sa isa’t isa (Efeso 4:2 MBB). Ang buhay ni Jesus ang pundasyon natin ng hinahon at kagandahang-loob.
Sa pagiging tao, nabuhay si Jesus nang mahinahon na naging daan para pagkatiwalaan Siya ng mga tao (Tal. 9-10 MBB). Patuloy pa rin Siya sa ganitong paraan. At ito ang nagpapalakas sa atin na magpatuloy sa pagiging ganap at matatag sa pagtitiwala sa Kanya “hanggang makarating tayo sa pagkakaisa ng pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Dios, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo” (Tal. 12-13 MBB).
Habang tumatagal, hindi na tayo humahanap ng pag-asa sa iba (Tal. 14) at mas nagiging palagay ang loob natin na tularan si Jesus sa pamumuhay ng mahinahong pag-ibig (Tal. 15-16).