Halos tatlongdaang Grade 7-12 ng maliit na bayan ng Neodesha, Kansas ang dumalo sa biglaang pagtitipon sa paaralan. Naghalo ang gulat at galak nila sa narinig: may isang mag-asawa na may koneksyon sa Neodesha ang magbabayad ng matrikula sa kolehiyo ng bawat mag-aaaral ng Neodesha sa loob ng dalawampu’t-limang taon.
Maraming pamilya sa Neodesha ang naghihirap at hindi alam paano tutustusan ang gastusin ng mga anak sa kolehiyo. Binigay ng mag-asawa ang regalo na ito para makatulong agad. Gusto rin nilang makahikayat ng iba pa na manirahan sa Neodesha para sa pag-ahon ng ekonomiya ng bayan sa hinaharap.
Nais ng Dios na maging mapagbigay sa mga agarang pangangailangan ang mga sumasampalataya sa Kanya at tumulong para sa mas magandang bukas ng mga naghihirap sa komunidad. Sabi ng Dios: Kung naghihirap ang kababayan ninyo at hindi niya kayang buhayin ang sarili, tulungan ninyo (Lev. 25:35 MBB). Hindi lang sa agarang pangangailangan tulad ng pagkain at damit. Isipin din kung paanong mas matiwasay na sama-samang namumuhay sa komunidad. “Tulungan ninyo sila,” sabi ng Dios, “para patuloy silang mamuhay kasama ninyo (Tal. 35).
Ang malaki at malikhaing pagbibigay ng Dios ang humihikayat sa atin tungo sa araw na sama-sama tayong mamumuhay nang buo at sagana.