Isang araw sa tag-init, habang tumataas ang sikat ng araw, nakangiting sumenyas sa akin ang isang kapitbahay at tinuro ang wind chime sa balkonahe ng bahay nila. May isang maliit na pugad ng ibon pala doon na may dalawang maliliit na ibon.
“Hinihintay nila ang nanay nila,” sabi ng kapitbahay. Pinagmasdan namin sila at itinaas ko ang aking cellphone para kumuha ng larawan. “Huwag masyadong malapit para hindi matakot ang nanay.” At dito inampon namin mula sa malayo ang isang pamilya ng ibon.
Pero hindi ito tumagal. Noong sumunod na linggo wala na ang mag-iina. Tahimik ring umalis tulad nang kanilang pagdating. Pero sino na ang mag-aalaga sa kanila? May sagot diyan ang Biblia: Huwag kayong mag-alala tungkol sa iyong buhay (Mateo 6:25). Isang simple pero magandang katuruan. “Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya’y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit” (Tal 26 MBB).
Tulad sa maliliit na ibon, inaalagaan din tayo ng Dios – pinagyayaman Niya ang pag-iisip, katawan, kaluluwa at espiritu natin. Isang wagas na pangako. Tumuon nawa tayo sa Dios araw- araw – nang walang pagkabalisa – at lumipad nang matayog tulad ng mga ibon sa himpapawid.