Noong 1990, may kinaharap na problema ang mga mananaliksik na Pranses tungkol sa impormasyong ibinibigay ng kompyuter. Mali ang bilang ng kompyuter sa edad ni Jeanne Calment. 115 taong-gulang na siya at lampas ito sa patnubay ng mga gumawa ng software program ng kompyuter. Hindi nila inisip na may mabubuhay nang ganoon katagal. Nabuhay si Jeanne hanggang 122.
Sabi sa Mga Awit, “Buhay nami’y umaabot ng pitumpung taong singkad, minsan nama’y walumpu, kung kami’y malakas” (90:10). Ibig sabihin, gaano man kahaba ang buhay natin, may hangganan pa rin, kahit kasing haba pa ito ng edad ni Jeanne Calment. Nasa makapangyarihang kamay ng maibiging Dios ang buhay natin (Tal. 5). Sa larangang espirituwal naman, pinapaalala sa atin kung ano ang “oras” ng Dios: “Ang sanlibong mga taon ay para bang isang araw, sa mata mo, Panginoon, isang kisap-mata lamang (Awit 90:4 MBB).
At sa buhay ni Jesus nabigyan ng bagong kahulugan ang “haba ng buhay” ng tao: “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan” (Juan 3:36). Totoo ito pangkasalukuyan, ngayon nga – sa panahon na nakakaramdam tayo ng mga problema at pagluha, mayroon tayong kinabukasang pinagpala at ang buhay natin: walang hanggan.
Ikinasasaya natin ito at nananalanging tulad ng sumulat ng Mga Awit, “Kung umaga’y ipadama iyong wagas na pag-ibig, at sa buong buhay nami’y may galak ang aming awit” (Salmo 90:14).