"Baby Boy” ang legal na pangalan niya nang higit isang taon. Iniwan siyang nakabalot sa isang bag sa paradahan ng kotse ng hospital ilang oras pagkapanganak. Doon siya akita ng guard na narinig siyang umiiyak.
Hindi nagtagal tinawagan ng Social Services (DSWD) ang mga taong mag-aampon sa kanya kinalaunan. Grayson ang ipinangalan nila sa kanya. At ito na nga naging legal na pangalan niya matapos ang proseso ng pag-aampon. Ngayon, isa na siyang nakakaaliw na batang hindi mabigkas nang maayos ang letrang R habang nakikipag-usap. Hindi aakalain na dati iniwan ang batang ito sa isang bag.
Inalala ni Moises ang ugali at mga ginawa ng Dios para sa mga taga-Israel. “Sa laki ng pag-ibig Niya sa inyong mga ninuno, kayong lahi nila ay pinili Niya sa gitna ng maraming bansa (Deuteronomio 10:15 MBB). Malawak itong pag-ibig: “Binibigyan Niya ng katarungan ang mga ulila at balo; minamahal Niya ang mga dayuhan at binibigyan ng pagkain at damit” (Tal. 18). “Siya lamang ang dapat ninyong purihin, Siya ang inyong Dios” (Tal. 21 MBB).
Sa pag-aampon man o sa pagmamahal at serbisyo, tinawag tayo upang ipakita ang pag-ibig ng Dios. Ang mga umampon kay Grayson ang naging mga kamay at paa ng Dios na nag-abot ng pag-ibig Niya sa isang taong maaaring mapabayaan lang. Tayo rin – maaaring maging mga kamay at paa ng Dios.