Pinakamahalagang obrang tungkol sa pulitika na ipininta ni Pablo Picasso ang Guernica. Larawan ito ng pagkawasak ng isang maliit na bayan sa bansang Espanya. Noong panahong tinatawag na Rebolusyon ng Espanya na mga taon din bago sumiklab ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, pinahintulutan ng Espanya ang mga eroplano ng Alemanya na magsanay ng pagbagsak ng bomba sa bayan ng Guernica.
Naging kontrobersyal ito dahil sa dami ng taong nasawi. Nabahala ang mga tao sa iba’t- ibang bahagi ng mundo sa kasamaang ito – pagbomba sa lugar ng mga ordinaryong mamamayan. Napukaw ng pinta ni Picasso ang imahinasyon ng mundong nakaantabay at nagbigay sigla ito sa talakayan tungkol sa kakayahan ng tao na wasakin ang isa’t isa.
Para sa mga tiwalang hindi natin sasadyain ang pagdanak ng dugo, alalahanin natin ang salita ni Jesus: “Narinig ninyo na sinabi sa inyong mga ninuno, ‘Huwag kang papatay; ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’ Ngunit sinasabi Ko naman sa inyo, ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman” (Mateo 5:21-22 MBB). Maaaring mamamatay-tao pa rin ang puso kahit hindi aktwal na pumatay ng tao.
Baka isang araw lamunin na lang tayo ng galit na nasa puso natin. Kailangan ang Banal na Espiritu para mapalitan ng bunga ng Espiritu ang mga ugaling makasalanan sa puso natin (Galacia 5:19-23 MBB). Para pag-ibig, kagalakan, at kapayapaan ang magiging marka ng pakikipagkapwa natin.