Nagjojogging ako sa isang makitid na kalsada nang makita ko ang dalawang ligaw na pabong nakatayo sa bandang unahan. Gaano kalapit ako puwedeng lumapit? napaisip ako. Tumigil ako sa pagtakbo at naglakad na lang. Papalapit sa akin ang mga pabo – saglit na lang nandiyan na ang ulo nila sa baywang ko. Gaano katalas ang mga tuka nila? Tumakbo na ako palayo bago ko pa malaman.
Ang bilis ng pagbabago ng sitwasyon – ang tinutugis na ang tumutugis nang nanguna ang pabo sa paglapit sa akin. At dahil hindi payag na masugatan ako ng ibon, tumakbo agad ako palayo... sa pabo.
Hindi naman nakakatakot si Haring David kaya ayun kinutya siya ni Goliat: “Halika nga rito nang maipakain ko ang bangkay mo sa mga ibon at mga hayop” (1 Samuel 17:44). Hindi nagpatakot si David. Sinugod niya si Goliat dahil may tiwala siya sa Dios. Sigaw niya, “Ngayong araw na ito...malalaman ng buong daigdig na may Dios sa Israel” (Tal. 46). Hindi inasahan ni Goliat ang tapang ni David. Ano’ng nangyayari? Siguro naisip niya. At hindi nagtagal tinamaan na nga siya ng bato – sa pagitan ng mga mata.
Likas sa mga malilit na hayop ang tumakbo palayo sa mga tao at pastol para makaiwas sa higante. Likas din sa atin na taguan ang mga problema natin. Pero bakit sa likas lagi? May Dios ba sa Israel? Kung gayon, sa kalakasan Niya, tumakbo tayo patungo sa laban.