Walk On ang titulo ng talambuhay ni Ben Malcolmson, isang estudyangteng walang karanasan sa football na naging walk on – manlalarong hindi nirekrut – para sa 2007 koponang Rose Ball ng Unibersidad ng Timog California. Isang manunulat sa kolehiyo si Malcolmson at isinulat niya ang napakahirap na hinandang pagsubok para sa pagpili ng mapapabilang sa koponan. Hindi siya makapaniwala: nakapasa siya!
Pagkatapos mapabilang sa koponan, inisip niya kung ano ang layunin ng Dios sa binigay na pagkakataon sa kanya. Pero nakakapanghina ng loob ang kawalang-interes ng mga kasamahan sa koponan sa mga usaping tungkol sa pananampalataya. Humiling siya ng gabay sa Dios at nabasa niya ang makapangyarihang paalala sa Aklat ng Isaias kung saan sinabi ng Dios: “Tutuparin ng mga salita na lumalabas sa Aking bibig ang Aking mga balak, at gagawin nito ang Aking ninanais” (55:11).
Nabuhayan siya ng loob dahil dito at patago niyang binigyan ng Biblia ang bawat isa sa koponan. Pero tinanggihan nila ito. Lumipas ang mga taon at nalaman ni Malcolmson na may isa sa kanila na nagbasa ng pinamahagi niyang Biblia – at nagpakita ng pagkakakilala sa Dios na natagpuan niya sa mga pahina ng Biblia bago ang trahedyang kumitil sa buhay niya.
Siguro tinanggihan na rin tayo nang ibinahagi natin si Jesus sa pamilya o ibang kakilala. Pero kahit hindi tayo makakita ng agarang resulta, makapangyarihan ang katotohan ng Dios at gagawin nito ang nais ng Dios sa panahong itinakda.