Nagtatrabaho si Marie at mag-isang tinataguyod ang mga anak pero bihira siyang hindi magsimba. Linggu-linggo, sakay siya at lima niyang anak ng bus papunta sa simbahan at pauwi. Tumutulong din silang maghanda at magligpit doon. Minsan, ibinalita sa kanya ng pastor nila na may regalo ang ilang miyembro ng simbahan para sa pamilya niya.
Mababang renta sa paupahang bahay, trabaho na may benepisyo, at lumang kotseng kinumpuni ng isang lalaki na may kasamang pangako na magiging mekaniko nito ‘pag kailangan. Nagpasalamat si Marie sa Dios sa galak ng pagiging kabilang sa komunidad na tapat na naglilingkod sa Dios at sa isa’t isa.
Hindi man natin kayang magbigay nang kasing laki ng bigay nila, layunin ng mga anak ng Dios na magtulungan. Ayon kay Apostol Lucas, “inilaan [ng mga sumasampalataya kay Jesus] ang kanilang mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol, magsama-sama bilang magkakapatid” (Gawa 2:42). ‘Pag pinagsama natin kung ano ang mayroon tayo, maaari tayong magtulungan para biyayaan ang may kailangan, tulad ng ginawa ng mga unang tagasunod ni Cristo (Tal. 44-45). Sa patuloy na pagiging malapit sa Dios at sa isa’t isa, maaari tayong magmalasakitan. Tulong itong ituro si Cristo sa ibang tao dahil makikitang naisasabuhay ang pag-ibig ng Dios (Tal. 46-47).
Maaaring maglingkod gamit ang ngiti o mabuting gawa. Puwedeng mag-alok ng pera o dasal. Dahil kumikilos ang Dios sa pamamagitan natin, mas mainam na sama-sama tayo.