Makatapos ang ilang oras na panonood ng balita sa telebisyon bawat araw, mas naging aburido at nerbiyoso ang matandang lalaki dahil sa pag-aalalang lalonggumugulo ang mundo at damay siya dito. “Pakipatay na ang telebisyon,” pagmamakaawa ng anak na babae. “Tigilan mo na po ang pakikinig.” Pero nagpatuloy pa ring maglaan ang matanda ng maraming oras sa social media at ibang nagbabalita.
Mahalaga kung ano ang pinakikinggan natin. Kita natin ito sa tagpo ni Jesus at ni Pilato. Sa pagtugon ni Pilato sa mga paratang kay Jesus ng mga pinuno ng relihiyon, ipinatawag niya si Jesus at tinanong, “Ikaw ba ang Hari ng mga Judio?” (Juan 18:33 MBB). Ang sagot ni Jesus, “Galing ba sa sarili mo ang tanong na iyan, o may ibang nagsabi sa iyo tungkol sa Akin? (Tal. 34).
Sinusubok din tayo ng tanong na ‘yan . Sa mundong puno ng pagkataranta, sa gulo ba tayo nakikinig o kay Cristo? “Nakikinig sa Akin ang Aking mga tupa,” sabi ni Jesus. “Kilala Ko sila, at sumusunod sila sa Akin” (10:27). Ginamit ni Jesus ang paglalarawang ito (Tal. 6) para ipaliwanag ang sarili sa mga lider ng relihiyon na nagdududa sa Kanya.
Tulad ng isang mabuting Pastol, sabi Niya na “sumusunod (ang mga tupa) sapagkat kilala nila ang Kanyang tinig” pero “hindi sila susunod sa iba, kundi tatakbong palayo sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng iba” (Tal. 4-5 MBB). Bilang Mabuting Pastol natin, hinihimok tayo ni Jesus na pakinggan Siya higit sa lahat. Makinig nawa tayo nang mabuti at matagpuan ang kapayapaan Niya.