Hindi matutuwa ang mga mahilig sa nakasasabik na kuwento kung huling kabanata ng nobelang misteryo ang unang babasahin. Pero may ibang taong mas nasisiyahang magbasa ng libro kung alam na nila paano magwawakas ang kuwento.
Sa Pagbabasa nang Paatras, ipinakita ng may-akdang si Richard Hays ang halaga nito para maintindihan natin ang Biblia. Nilarawan niya ang tulong ng paglalahad ng mga sunud-sunod na salita at pangyayari sa Biblia para abangan, bigyang diin, at bigyang liwanag ang isa’t-isa. Binigyan tayo ni Propesor Hays ng dahilan para basahin ang Biblia nang pasulong at paatras.
Paalala ni Hays sa mga mambabasa na naintindihan lang ng mga alagad ni Jesus makatapos Siyang mabuhay muli ang sinabi Niyang itatayo Niyang muli ang templo sa loob ng tatlong araw. Sinulat ni Apostol Juan, “Ang templong tinutukoy ni Jesus ay ang Kanyang katawan” (Juan 2:21). Doon lang nila naintindihan ang isang kahulugan ng pagdiriwang ng Paskwa na ‘di pa naiintindihan noon (Tingnan ang Mateo 26:17-29). Sa pagbabalik tanaw nila napagmuni-munihan kung paano nilubos ni Jesus ang kahulugan ng malalim na damdamin para sa tahanan ng Dios ng isang sinaunang hari (Salmo 69:9; Juan 2:16-17). Tanging sa pagbabasa ng Biblia sa kaalamang si Jesus mismo ang tunay na templo ng Dios maiintindihan ng mga alagad na nagliwanag sa isa’t-isa ang rituwal ng relihiyon nila at ang Tagapagligtas na si Jesus.
At ngayon, tanging sa pasulong at paatras na pagbabasa ng Biblia lang natin makikita kay Jesus ang lahat ng kailangan at nais ng sinuman sa atin.