Sa isang abalang araw bago ang kapaskuhan, may isang matandang babaeng pumasok sa mataong tanggapan ng koreo sa lugar namin. Habang mabagal siyang naglalakad, magiliw siyang binati ng pasensyosong kawani, “Kamusta sa’yo, batang babae!” Maaaring may ibang magsasabi na mas mabuting sabihin ang “mas bata.”

May kuwento sa Biblia na makakapag-udyok sa ating panatilihin ang pag-asa hanggang sa kantandaan. Nang dinala nina Jose at Maria sa templo ang sanggol na si Jesus para italaga sa Panginoon (Lucas 2:23; Tingnan ang Exodus 13:2, 12), dalawang matandang sumasampalataya sa Dios ang naging sentro ng tagpo. Si Simeon na matagal nang naghihintay na makita ang Mesias: “Kinarga ni Simeon ang sanggol. Pagkatapos, nagpuri siya sa Dios, ‘Ngayon, Panginoon, maaari na pong yumaong mapayapa ang Inyong abang alipin ayon sa Inyong pangako.

Yamang nakita na po ng aking mga mata ang inyong pagliligtas, na Inyong inihanda sa harapan ng lahat ng bansa. (Lucas 2:28-31). At ang propetang si Ana na “napakatanda na” (Tal. 36), na dumating habang kinakausap ni Simeon sina Jose at Maria. Isang balong namatayan ng asawa makatapos lang ang pitong taong pagsasama, “Lagi siya sa Templo at araw-gabi’y sumasamba sa Dios sa pamamagitan ng pag-aayuno at pananalangin” (Tal. 37). Nang nakita niya si Jesus, “nagpasalamat (siya) sa Dios. Nagsalita rin siya tungkol sa sanggol sa lahat ng naghihintay sa pagpapalaya ng Dios sa Jerusalem” (Tal. 38).

Paalala nila sa atin na magpatuloy tayong maghintay sa Dios, na may matatag na pananampalataya.