Ginampanan ng aktor na si William Shatner ang katauhan ni Captain Kirk sa Star Trek na isang palabas sa telebisyon. Pero hindi siya handa para sa tunay na paglalakbay sa kalawakan. Nilarawan niya ang kanyang labing-isang minutong sub-orbital na paglipad sa kalawakan na “pinakamalalim na karanasang puwede kong maranasan.” Paglapag muli sa lupa, lumabas siya ng rocketship at sinabing, “ang makitang dumaan palayo ang kulay asul at sa kulay itim ka na lang nakatingin... Sa baba makikita mo ang asul at sa taas naman, nakatitig ka lang sa itim.” Dagdag niya, “Ang ganda ng kulay pero manipis lang ito. Isang saglit lang nalampasan mo na.”
Parang asul na tuldok na napapalibutan ng mawalak na dilim ang planeta natin. Nakakabagabag. Sabi ni Shatner na parang paglipad tungong kamatayan ang paglalakbay sa asul na himpapawid tungo sa dilim ng kalawakan. “Sa isang kisap mata, mapapasigaw ka ng “Waaaah, kamatayan!” Iyon ang nakita ko. Malalim na karanasan ito para sa akin. Hindi kapani-paniwala.”
Nilalagay ng paglalakbay ni Shatner ang buhay natin sa mas malinaw na pananaw. Maliit lang tayo sa kalawakan pero iniibig tayo ng Lumikha ng liwanag at nagbukod sa liwanag at dilim (ɢᴇɴᴇꜱɪꜱ 1:3-4). Alam ng Ama kung saan nagbubuhat ang kadiliman at ang landas ng tinutuluyan nito (ᴊᴏʙ 38:19-20). Nilikha Niya ang mundo at “noong umagang iyon, ang mga bitui’y nag-aawitan” (ᴛᴀʟ. 4-7).
Ipagkatiwala natin ang ating buhay sa Dios na hawak ang buong sansinukob sa Kanyang kamay.