Perpekto ang videong pangpasko ng pamilya Baker. Sa isang damuhan nakakumpol palibot sa apoy ang tatlong pastol (mga batang anak) na nakasuot ng robe. Biglang may anghel na bumaba mula sa tuktok ng burol – ang ate nila, kahanga- hanga ang hitsura maliban sa sapatos nito. Habang may tugtog, nakatingala sa kalangitan ang mga pastol na manghang-mangha. Naglakad sila sa damuhan at natunton ang tunay na sanggol – ang kapatid na sanggol – sa isang makabagong kamalig. Ngayon ang ate nila si Maria na.

May “bonus na tampok” – ipinasilip ng tatay nila ang mga kaganapan sa likod ng mga eksena. May nagrereklamo: “Giniginaw ako.” “Kailangan kong magbanyo!” “Puwede bang umuwi na tayo?” Makailang beses silang sinabihan ng nanay nila, “Magseryoso na.” Malayo sa perpekto ang katotohanan.

Madaling tingnan ang unang Pasko gamit ang salamin ng pulidong huling bersyon. Pero malayo sa pagiging madali ang buhay ni Jesus. Sanggol pa lang, tinangka na siyang patayin ng selosong si Haring Herodes (MATEO 2:13). Hindi Siya naintindihan ni Maria at Jose (LUCAS 2:41-50). Kinasuklaman Siya ng mundo (JUAN 7:7). May panahong, “Maging ang mga kapatid ni Jesus ay hindi naniniwala sa Kanya” (TAL. 5). Hinatid Siya ng misyon Niya sa isang karumal-dumal na pagkamatay. Ginawa Niya lahat ng ito upang igalang ang Kanyang Ama at iligtas tayo.

Nagtapos ang video ng mga Baker sa salita ni Jesus sa Juan 14:6: “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.” Ito ang totoo – magpakailanman.