Noong 1524, sabi ni Martin Luther: “Pare-pareho ang tuntunin ng mga mangangalakal, kawikaan nila sa kani- kanilang mga sarili ... Wala akong pakialam sa kapwa ko; ang kita ang mahalaga at ang busugin ang kasakiman ko.” Paglipas ng higit dalawang daang taon, hinayaan ni John Woolman – isang negosyanteng galing sa Mount Holly, New Jersey – na maimpluwensyahan ng kanyang pangako kay Jesus ang negosyong patahian. Bilang pagsuporta sa pagpapalaya ng mga alipin, hindi siya bumili ng bulak o pangkulay sa mga kumpanyang gumagamit ng sapilitang pang-aalipin. Malinis ang konsensya, minahal niya ang kapwa at namuhay ayon sa katapatang-loob at may sinseridad sa lahat ng pakikitungo.

Nagsikap din si Apostol Pablo na mamuhay nang “tapat at walang pagkukunwari” (2 CORINTO 1:12). Ipinagtanggol niya ang pakikitungo niya sa kanila nang may ilang taga Corinto na sumubok pahinain ang awtoridad niya. Isinaad niya sa liham na alam niyang kayang malampasan ng mga salita at kilos niya ang anumang pagsisiyasat (TAL. 13). Pinakita rin niya na nakaasa siya sa lakas at kagandang loob ng Dios, hindi sa sarili, para maging mabisa (TAL. 12). Sa madaling salita, tagos sa lahat ng kilos at pakikitungo niya ang pananampalataya niya kay Cristo.

Dahil nabubuhay tayo bilang kinatawan ni Jesus, nawa maging maingat tayo at hayaan nating makita ang mabuting balita ni Jesus sa lahat ng ating pakikitungo—sa pamilya, negosyo, at sa iba pa. Kapag ipinapahayag natin sa iba ang pag-ibig ng Dios sa pamamagitan ng kapangyarihan at kagandahang-loob Niya. Napapapurihan din natin ang Dios at minamahal ang ating kapwa.