Hindi makatulog ang batang babae. Maraming taon na siyang may pisikal na kapansanan at, kinabukasan, tampok siya sa tiangge ng simbahan na para makalikom ng pondo sa pag-aaral sa kolehiyo. Pero hindi ako karapat-dapat, naisip ni Charlotte Elliot. Paikot-ikot siya sa higaan habang nagdududa sa sarili at sinusuri ang bawat aspeto ng kanyang buhay espirituwal. Kinabukasan, hindi pa rin mapakali, kumuha siya ng ballpen at papel at isinulat ang mga salitang tinuturing na ngayong klasikong himno, “Bilang Ako”:

“Bilang ako, walang panghiling/ Liban sa dugo Mong dumaloy para sa akin, / At Ikaw na tumatawag sa aking lumapit sa Iyo, / O Tupa ng Dios, Heto po, lumalapit ako.”

Ipinapakita ng mga salitang isinulat niya noong 1835 kung paano tinawag ni Jesus na lumapit at maglingkod sa Kanya ang Kanyang mga alagad. Dahil handa sila? Ang totoo, hindi sila handa. Kundi dahil pinahintulutan Niya sila—bilang kung sino man sila. Karaniwang tao. Pangkat ng isang dosenang kinabibilangan ng maniningil ng buwis, panatiko, dalawang ambisyosong magkapatid (TINGNAN ANG MARCOS 10:35-37), at si Judas Iscariote na nagkanulo sa Kanya (MATEO 10:4). Gayunpaman, binigyan pa rin Niya ng kapangyarihan at inatasan silang “pagalingin... ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo” (TAL. 8) – na hindi magdadala ng pera, mga gamit, damit pamalit, o sandalyas, o kahit na tungkod (TAL. 9-10).

“Isinusugo Ko kayo,” sabi ni Jesus (TAL. 16), at sapat na Siya. Ganoon pa rin Siya para sa bawat isa sa atin na nagtitiwala sa Kanya – sapat pa rin.